Si manong tricycle driver.
Nung nagbakasyon ako sa Pinas nung february, kung di ako nakikitira sa mga kaibigan ko, umuuwi ako sa Paranaque sa bahay ng lolo ko. So one time nagcommute lang ako kasi di ako nasundo ni tito.
Nasa may village nako, nagtricycle ako. Tapos baba sa gate ng next village at sumakay na naman ng tricycle pero this time umalis kaagad si manong kahit wala naman akong sinabi. So naisip ko oks lang kasi pagod na din ako. Nasa tapat na kami ng bahay,
GENNY: Manong, magkano po?
MANONG: 21pesos.
GENNY: HUH? bakit naman 21 eh yung una kong sinakyan 7 lang.
MANONG: Eh kasi special ka.
GENNY: Ay si manong, binola pako.
(Nagbilang ako ng pera. May 21 ako pero binigay ko 17 lang kasi naiinis ako.)
Pagpasok, kinwento ko kay wowo. Tawa lang siya ng tawa. Ngayon ko lang nalaman na special ang tawag pag magisa ka lang nakasakay. Hahaha
Kapal naman ng mukha ko at naisip kong special ako kay manong. :|